Recently, may mga friends akong lumapit sa akin and asked for my help. Whatever help daw I could offer. The best help I could give is to LISTEN. I'm good at that. I just let them vent their emotions and feelings and just listen to them.
I don't know if coincidental or what but most of their problems is related to breakups or something that involves their partner. Is this the breakup season?
I thought nangyayari lang ito sa showbiz like what happened kina Jennylyn Mecado and Dennis Trillo, Kim Chiu and Gerald Anderson and the latest rumor Angelica Panganiban and Derek Ramsay. Ang corny lang 'di ba? Masyado lang akong updated sa Pinoy showbiz. Nonetheless, I was just wondering bakit sunod-sunod ang breakup issues ngayon? Sadya bang nakikiuso lang ang mga tao sa kung ano man ang "IN" ngayon? Or talagang this is how fate works?
Hindi naging madali ang position ko as a listener. Habang nagkukuwento sila ay bigla nalang sila iiyak na parang ikamamatay nila ang nangyari sa kanila. Yung tipong "Basha, mahal na mahal kita..pero ang sakit, sakit na.." --- Thanks One More Chance! Nakaka-inspire ka talaga na movie for people na kaka-breakup lang. Bilib na bilib ako sa mga unforgettable script mo. So ayun na nga. Lagi naman akong listener sa ganitong pangyayari eh. Happy daw sila na nandoon ako para damayan sila sa pinagdadaanan nila. And hindi nila alam, sobra din akong nalulungkot at nadadala sa mga kinukwento nila. Pinipigilan ko nalang ang sarili ko na mag-advice ng kung anu-ano, baka ako pa maging sanhi ng kung ano man. Minsan naiisip ko nalang, mukha ba akong tissue paper o kamukha ko ba talaga si Joe D'Mango? Ewan. Gusto ko tumulong pero 'di ko alam sasabihin ko. Siguro nga ang the best help na mabibigay ko is offering myself to listen..kahit ilang oras pa yan. I am so ready to listen, friend.
very well said. :> pero taena talaga ang font size mo! leche ka! HAHAHA
ReplyDelete