Thursday, September 15, 2011

Writer's block

Ok. So I haven't been blogging these past days. Eh sa walang bagong developments sa buhay ko ngayon eh. In short, stagnant. Tambay. Pahinga muna. Higa muna. Tulog-kain mode. Couch potato.

Ang saya ko sobra nung nakapasa na ako ng Nursing Board Exam. Lumabas yung result this September. It was sweet, indeed. What's next after that? Hindi ko na alam. Wala pa din akong trabaho ngayon. Isa na ako sa mga unemployed nurses of the country. Yep, it's official.

Hangarin ko man mag-apply apply sa mga hospital eh sandamakmak na requirements naman ang hinihingi nila. Kesyo they need nurses to have IVT + BLS with FA and ACLS Trainings chorva. So I decided to... 

HINDI KO PA ALAM GAGAWIN KO T___T
wala. walang next step para sa akin :|

Simula nung nakapasa na ako, nawalan na din ako ng Goals to Achieve this Moment. Hindi ko napaghandaan yung next step ko after that. Masyado kong tinutukan yung pagaaral ko para makapasa ng board. Hindi ko naisip na may next step pa pala. Tama nga ang mga senyores, "Life begins at 40" ----- Oops, maling quote! LOL

"Life begins after you passed the exam. It's either you strive hard to land a job or to just wait for nothing."
-- I'm on the LATTER side. Bahala na. Bahala na si God sa akin. Pwede din si Batman.

Nagkaroon din pala ng Testimonial Party ang former college ko. Syempre, I'm not invited by the college since I am not even an alumna. But I received a lot of invites from my batchmates and declined all of them. Lahat sila, iisa ang sinabi: "Ang bitter mo naman!"
Tengene yan. I just declined the invite 'tas bitter na ako? What's wrong with declining anyways?
OK OK OK. So I may have a bitter feeling with that school pero not the WHOLE school pero the college itself. Especially that bitch professor ( I'll be happy if she read this ). Pero people assuming that I'm bitter with the declining? GEEEEZ. Give me a break. I have a life too. I have more time to waste than to ponder how to kill that professor in my mind. I MOVED ON, PLEASE. Kung hindi man manggaling sa akin ang bad karma niya, at least I know na fate will know the right time to move. Trillion times pa ang effect!


Ang dream ko ngayon? Maging Clinical Instructor. Seryoso! Not because I wanted to avenge my bitter past pero eto talaga yung gusto ko ever since I entered the nursing life. What to do next? Hindi ko talaga alam kung paano ako magsisimula ulit :|


1 comment:

  1. Take your time to relax. Deserve mo magkaron ng big vacay dahil sa paghihirap na nalagpasan mo nung nag-aaral ka pa. Chill. We'll surely find the next step in God's time :>

    ReplyDelete

I appreciate all your comments!