Thursday, August 18, 2011

E Solidos!

At dahil may pumilit sa akin na gumawa daw ako ng entry tungkol sa kanya, oh! Eto! Salo! Hahaha!

Classmate ko siya sa pinaka-una kong university na pinasukan ko noon. Although one year lang ang pag-stay ko sa institusyon na iyon ay naging makabuluhan at napaka-meaningful dahil sa mga nakilala kong kaibigan at mga natutunan ko sa mga baliw na mga propesor doon.

Bagong bukas pa lang ang institusyon na yun sa Makati. Kasali ako sa "Pioneering batch". Naalala ko pa noon, first day ng klase ay may mascot sa harap ng building namin. May nagtanong sa akin kung ano daw ba mascot ng school namin. Ang sagot ko sa kanya, "Lobster". Eh sa mukhang lobster naman talaga eh hahaha! Tas' may nag-abot sa akin ng bookmark at pin, souvenir daw at "Welcome to CEU-Makatiiiii....". Hinding-hindi ko malilimutan yung itsura ng bading na nagbigay sa akin noon, with matching falsetto voice pa. 

So ayun, hinanap ko yung room ko sa second floor. Room 205. Nung papasok na sana ako ng classroom ay may nakita akong familiar face. Batchmate ko siya nung High School, Grade School.. pati Nursery days namin :) Simula noon, nag-start na ang samahan namin ni Zappy.
me and Kristin (aka Zappy)
Madami din akong naka-close sa room namin. Ay, oo nga pala, AHSE 1E pala ang section namin. Proud to be one :)
"APIRDAY" kung tawagin namin ang mga session namin. Yung mga tipong inuman, inuman at inuman sila to the max. Ako naman etong hindi umiinom eh tinitimplahan ko nalang sarili ko ng orange juice para makasabay haha! Mahilig din kami manood ng movies tuwing dismissal. Kadalasan noon ay kulang ang allowance ko pang-nood ng sine kaya minsan ay nakakalibre ako ng nood dahil sa ambagan nila (minsan madami naman akong pera pero nagpapalibre pa din ako. HAHAHA!!).

Etong isang kaklase ko, hindi kami masyadong close noong First year, first sem namin. Second semester na nung naging mas close kami. Siya kasi yung kaguluhan ko sa buhay eh. Parehas kaming nagkukulitan sa classroom. Minsan kinokopyahan niya ako sa quizzes, minsan sa kanya ako kumokopya (pero mas madalas ako yung kinokopyahan niya. HAHAHA!) Sa kanya din ako umuutang 'pag walang-wala nang laman yung wallet ko. Siya yung nagtanong sa akin noon bakit ako bumabagsak sa Algebra quiz namin (EH ANG HIRAP NAMAN KASE!). Siya din yung ka-partner ko minsan 'pag mememorize ng parts ng neuron noong Psych subject namin. Katabi ko siya madalas sa  van na si Sussy ni Lowi at madalas kumakanta kami ng "My humps" ng Black Eyed Peas habang bumabiyahe. Siya din yung hinahampas ko sa likod kapag inaasar niya ako. Siya din yung hearthrob (kuno) ng klase. Magaling din siyang mag-gitara. May banda sila ang pangalan eh "Black Rose" pero kahit kailan 'di ko narinig tumugtog sila ng live :(((. Binigyan niya din ako ng Crunch chocolate noon at talaga namang tuwang-tuwa ako. Binigay niya din sa akin yung ID niya bago ang pag-alis ko sa institusyon na yun para lumipat sa ibang unibersidad noong matapos ang second sem namin. At eto ang malupit sa lahat, feel kong kras ako nito noon eh. HAHAHAHAHA!!

Madalas pa din ang kulitan namin ngayon sa Facebook. Minsan kapag nagpupuyat ako sa tapat ng PC, siya lagi yung ka-chat ko. Baliktad kasi oras namin. Umaga dito, gabi sa kanila. Gabi dito, alam mo na. At recently, nalaman ko ang latest sa buhay niya. Nagdadrama ang lolo mo. HAHAHA! Huwag ko nalang daw i-bulgar dito kung bakit. HAHAHA!!

Karlo Florentino Bandong. Maraming salamat sa friendship! Lubos kong ikinagagalak na maging kaibigan mo forever and ever after. 'Pag nakapunta ako ng US, ito-tour mo ako ng libre ha? Siyempre yung Barbie ko, don't forget. 'Tas kapag naging kayo ni *toot*, 'wag ka nang bitter ha? HAHAHAHA! 


myspace graphic is done on Gickr.com


"Best friends just won't leave your side" 

-Blink182

No comments:

Post a Comment

I appreciate all your comments!