Wednesday, August 24, 2011

MARY JOSEPHINE SANTIAGO ARCE, RN! :)))

Ako na! Ako na talaga ang bagong pasa ng Nursing Licensure Exam! HAHAHAHA!
July 2011 NLE: I CONQUERED YOU!

At dahil diyan, magkukwento ako. Madami-dami din akong gustong i-kwento kaso 'di nakikisama etong lecheng internet provider namin eh. Pero I'll try my best mag-copy-paste maya't maya para lang makapag-blog!

August 20, 2011. Saturday. Mga 9 in the morning.
Plano namin ni Marck na gumala this day. Gusto namin mag-food trip ng malupit, kaya sabi ko sa Mercato Centrale kami pumunta para dun na kami mag-lunch. Kakatapos ko lang maligo 'non at may nagtext sa akin at ang sabi ay may haka-hakang lalabas na daw umano ang results ng board exam namin anytime that day. Ina-upload na daw ang results kaya magdasal-dasal na daw. Pagkatapos kong mabasa yung text, sumama yung pakiramdam ko. Parang akong nasusuka na lalagnatin na nahihilo na ewan. Basta, major major sama ng pakiramdam ko. Gusto ko na sana i-cancel yung date namin kaso inisip ko mas lalo akong mababaliw kakahintay ng results. I decided na mag-go na kami sa Mercato. Unfortunately, hanggang 2pm lang doon, kaya deretso nalang kami sa Market Market since magkalapit lang iyon. Aabangan nalang namin yung Midnight Mercato around 10 ng gabi.

Nang makarating na kami ng Market Market, nag-lunch muna kami.Kinainan namin yung favorite kong palutuan doon named "Freska". Fresh lahat ng seafoods nila kaya laging binabalikan yun ng aking family. Naging instant fave namin sila. Kaya inaya ko si boyfriend doon kumain para sulit ang lunch!
Liempo and Fresh hito for lunch!
Gusto namin mapanood ang "Ang Babae sa Septic Tank" kaso wala na siya sa line-up ng movies sa sinehan ng Market Market. Sayang. Gusto pa naman namin mapanood yun. Kaya nagikot-ikot nalang kami sa loob ng mall pati sa Serendra. Nakita pa namin yung mga Korean students niya from there. Nakakatuwa sila, pare-parehas mga itsura. 'Tas nagpa-picture din kami kasama sila.


Pumasok kami sa loob ng Timezone, guess what? May ibang grupo ulit ng Korean students ni Marck doon. LOL

Habang naglalakad kami, biglang na-sense daw ni Marck na parang nag-ring yung phone ko. Dali-dali kong kinuha yung phone sa bag ko na hawak niya. May text message from Christine Maliwanag. Shit. Feel ko eto na yun. Eto na yung result. "#TanginaThis"

Pinabuksan ko kay Marck yung message. Biglang sumama ulit pakiramdam ko nung nahawakan ko yung phone eh. Ang sabi niya may result na daw, tulungan daw namin si Christine kasi mahirap buksan mga websites. Sabay takbo kami kay manong guard para magtanong kung saan may malapit na net cafe. Wala daw net cafe sa High Street, baka daw sa Market Market meron. 


Para kaming nag-marathon para lang hanapin yung net cafe na iyon. Nagkandawala-wala pa kami, kung kani-kanino pa kami nagtanong. At sa wakas, nang marating na namin yung net cafe, bumalik na naman yung sakit na nararamdaman ko. Mas lalong 'di ako mapalagay kasi kaharap ko na yung PC eh. Ilang click-click lang at malalaman ko na yung katotohanan, kung ano ang nilaan ng Diyos para sa akin, kung ano ang magiging future ko. #TanginaThis

Hinayaan ko na si Marck mag-open ng site ng PRC. Nanghihina na talaga ako ng mga oras na iyon. 'Di ko na maexplain yung nararamdaman kong kaba noon. Hawak niya din yung phone ko, katext niya mga kaibigan namin para tulungan kaming mag-check ng results. Nakaupo lang ako sa harap ng PC, naghihintay ng kung ano mang balita dalhin sa akin ni Marck at ng PRC website nang...

In a matter of seconds, tears fell. Just like a running faucet.

Ang daming pumasok sa isip ko nang mga oras na iyon. Nanumbalik lahat ng memories na pinaka-iingatan ko sa utak ko, masaya man ito o hindi, lahat ng iyon ay binalikan ko sa mga saglit na iyon. Parang humiwalay ang kaluluwa sa katawan ko at saglit na nag-travel sa mundong minsan kong nilakad at muli kong binalikan. Nakita ko yung sarili ko na naka-uniporme na sobrang puti. Ingat na ingat akong huwag madumihan ito o madungisan man lang. Napaka-ayos ng buhok ko na parang naka-pomada pa ang dating ( like, WTF?! Pomada??) Ang sipag-sipag ko mag-aral. Tuwang-tuwa daw ako sa kakaaral ng nursing. Nakita ko mga kaklase ko, mga kaibigan ko, mga professor ko na humubog sa aking kamalayan at ang mga sumira ng pangarap ko, ang pamilya ko, at ang huli...si Lord.

"THANK YOU".
Yun lang ang nasambit ko pagkatapos kong malaman ang magandang balita.
Thank you sa maraming bagay. Ang hirap isa-isahin dito pero alam niyo na yun. Ang sarap sa pakiramdam ng makapasa. Sa wakas, isang yugto sa buhay ko ang napag-tagumpayan ko. Kumabit na din ang dalawang letra na matagal ko nang inaasam na kumabit. Ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo ng mga oras na iyon. Nahuli man ang pagkabit ng "RN" sa pangalan ko, alam ko ito ang tamang oras na nilaan ng Diyos para sa akin. Ito ang oras ko. This is my time to shine :))

6 comments:

  1. Congrats bitch! Ang saya lang namin nung nakapasa ka! Oh pano, natupad na wish mo na magka-RN sa pangalan! Sana yung lovelife ko naman! HAHAHAHAHA!

    Malugod naming ipinapahatid ang aming lubos na kaligayahan sa tagumpay na iyong nakamit!

    CONGRATS & WELCOME DEAR COLLEAGUE! :))

    ReplyDelete
  2. @Bea: Malalim pre, malalim.
    Lubos kong ikinagagalak ang iyong taos-pusong pasasalamat! Nawa'y maging makulay na ang iyong lovelife nang sumaya ka na wahahahhaha!!

    Sabay ko 'tong pinagdasal! Sana matupad na :D

    ReplyDelete
  3. Congrats Jo! Natupad na ang kahilingan mong maging RN ngaung 2011! Haha.. nice.. God provides what you ask.. :))

    ReplyDelete
  4. @Mia: Thank you Miaaaa! Indeed napaka-buti ni Lord sa mga taong katulad ko haha! Kahit napaka-sama ng ugali ko, pinagbigyan niya pa din ako. HAHAHA! Ikaw na next Miatots! At naeexcite na din ako sa pagkabit ng RN sa pangalan mo :D Goodluck!!

    ReplyDelete
  5. congrats sis! i'm your new follower =)

    ReplyDelete
  6. @Lelay: Thanks Lelay! I'm your new follower too :))

    ReplyDelete

I appreciate all your comments!