Saturday, January 29, 2011
Thursday, January 27, 2011
Delicious Restaurant
Feel ko yatang maging food blogger dahil sa sunud-sunod na kainan. Well, food blogger or not, magkekwento nalang ako :)
Today is January 27, Thursday. After my work sa office, nagtext ang mommy ko at sabi niya na punta daw kami sa former school kong Adamson para magbayad ng tuition sa aking younger brother. Go naman ang drama ko kahit na sinabi ko sa sarili ko noon na ayaw ko nang babalik sa pamantasang ito sa kadahilanang malalim. In short, secret. Siguro sa ibang mambabasa, alam marahil ang dahilan.
So, hindi naman tungkol sa akin ang topic sa post na ito kung hindi sa kinain namin for dinner. Itong restaurant na ito ay sobrang luma na (mas luma pa underwear mong suot na ilang araw mo nang hindi nilalabhan). Kung maaalala ko, ito yung restaurant na paborito pa ni Fernando Poe Jr. tuwing may shooting daw sila. Isama mo na sina Erap and friends and many more. Basta, paborito daw ito ng circa nila.
Unang kong natikman ang sarap ng gawa nila nung ako ay bata pa. Noon ay madalas kaming dalhan ng pancit ng papa ko. Iba't ibang klase ng pancit ang dala niya (pero 'di ko lang alam yung tawag sa iba't ibang klase ng pansit, basta iba't iba yun). Para bang nakakatatak na sa dila ko ang lasa ng natatanging pancit na yun.
Lumipas ang maraming panahon, muli kong natikaman ang lasa nito dahil sa bigay na pancit ng aking tito. Noong una, ayaw ko pang kumain dahil sa kinasawaan ko ito pero napilit ako ng kapatid ko na kumain kaya nanumbalik ang "cherished memories" (homaygaddd, Eerr)
So, balik tayo sa restaurant. Hindi siya ganun ka-bongga pagdating sa interiors. Makikita mo dito na talagang dinadayo ito kahit sa mga panatikong nanggaling pa sa malalayong lugar. Madalas may makikita kang may nag-iinuman pero walang videoke kaya hindi maingay. Maraming tao agad ang bubungad sa'yo pagpasok. Kung aakyat ka sa ikalawang palapag, ito ay nakaair-con. Dali-daling may lalapit sa'yong babaeng naka-pink (basta babae na naka-uniform), sila na yung waitress nila na mag-aabot sa'yo ng menu at kukuhang order mo.
courtesy of blowingpeachkisses |
Umorder kami ng paborito naming pancit at pork asado at isang malaking plato ng kanin. Sulit! May take-home pa kami dahil hindi namin ito naubos.
Food verdict: Marami ang serving nila. Saucy ang pancit (what I meant for saucy is masabaw, malagkit, madagta, basta! Ayun na yun. Gets mo naman eh) Pork adobo, not quite kasi mas type ko yung red yung meat nito, theirs is pale.Kulang din pala sa tamis, I go for that extra sweetness. LOL
Sunday, January 23, 2011
Major Major makeover!
Yesterday was a very fine day!
Ang daming nangyari sa araw na ito pero ang pinaka-highlight ng day na ito ay ang aking major,major makeover: HAIR REBOND!
First time kong magpa-rebond ng hair. Hindi naman kasi ako meticulous when it comes to primping myself. I just thought that somehow I needed a big change in life so that I could feel oh-so confident! If you could see me everyday, I always wear my damaged, dry hair down. Walang kaayos-ayos. Yung mga ends nga ay sobra ng sabog-sabog, napaka-untamed na.
So ayan, to start off. Late nako nagising for my appointment sa Victor Ortega Salon & Spa. (http://www.facebook.com/pages/Victor-Ortega-Salon-Spa/140152865999317?ref=ts&v=wall)
Yung location ng salon is way far from our home. They're situated sa may Boni Ave. Mandaluyong. Ang layo from our home sa Manila pa. Yung taxi pa na nasakyan namin was so bagal na sobrang preoccupied pa sa cellphone niyang nasira ang battery. Habang nasa biyahe:
Makati City Hall |
Nadaanan namin ang Makati City Hall from Pasig River's view. Napamangha nalang ako siguro sa laki at ganda ng architecture nito. Naisip ko bigla, magkano kaya nakuha nila sa kaban ng bayan? Lol
Upon arrival sa V.O. Salon, bumungad sa akin ang napaka-daming kotseng nakaparada sa harap! At ang dami daming tao sa loob!
courtesy of Pink Magaline |
I thought magihintay pa ako ng matagal kasi late nga ako sa appointment ko. Heck no! I was forwarded immediately sa 2nd floor to the care of Ms. Marge. Pagupo ko pa lang sa chair, inassess niya yung condition ng hair ko. "Nagpa-relax ka ba before? Sobrang dry at damaged ng hair mo eh.."
My rebond session took almost 5 hours. Grueling pero worth it. Ang ganda ng kinalabasan ng hair ko.
BEFORE-hair! Ang wavy pa and dry |
We met a friend :) |
Dialed 8-MCDO for Cheeseburger break! |
Initial rebond! STRAIGHT NA! |
Neutralization Phase |
At ang finished result:
Their Java chip is awesome! |
Fine interiors |
My movie playlist while waiting for mommy |
Friday, January 21, 2011
Kalungkutan.
Minsan ba na-feel niyo na ba ang sobrang kalungkutan? Hindi mo mapigilan mapaisip at maluha nalang? Yung tipong parang kumpleto ka naman pero may mga bagay lang talaga na sadyang nagpapalungkot sa'yo. Sa 'di maintidihang pangyayari, bakit ganun?
Gusto ko sana mag-share sa inyo ng mga pangyayari na naganap sa araw na ito. Ngunit minarapat ko nalang na huwag ikwento lahat dahil lilipas din ito.
To make it short, nakaranas lang naman ako ng sobrang kalungkutan kanina.
Gusto ko ngumiti, tumawa, mag-share ng kwento at kung anu-ano pa kasama siya ngunit nakakalungkot lang na may mga ilang bagay lang siyang nagawa na sobra kong ikinalungkot. Feeling ko kasi, nawawalan na ako ng halaga sa kanya :(
Pero jumo-joke pa din ako kahit alam ko naman sa sarili ko na niloloko ko na yung totoong nararamdaman ko. Kailangan magpakita pa din ako isang maskara para lamang huwag masira ang araw namin. Halos isang linggo kami 'di nagkita at sa loob ng linggong yun ay bihira lang kami magkausap dahil parehas kaming sobrang busy sa trabaho.
Minsan natanong ko ang sarili ko: "Do I deserve this?"
Humanga ako sa isa kong kaibigang si Mia.
Dahil minsan sa kanyang buhay, nagmahal siya, nagtiwala, nagtiis at nagsakripisyo para sa ikaseseguridad ng kanyang hinaharap. Alam kong hindi naging madali ang mga dinanas niya pero sobra akong humanga sa tatag ng loob niya.
Sana maging katulad ako ni Mia.
Sana maging matapang pa ako, maging matatag at magkaroon ng tiwala sa sarili at sa mga gagawing desisyon sa buhay.
Tuesday, January 18, 2011
Click Clack
May mga nagtatanong sa akin kung anung camera daw ginagamit ko when taking pictures. Usually hindi ko dala ang digicam ko since I only bring it 'pag may special event or something like that. Others are not believing me that I only use a 2.0 megapixel cellphone camera because it has a good resolution among other 2MP cameras.
My phone is imported from the US with a line from AT&T. The downside of the phone is that most of it's features are AT&T-applications which I cannot use it here locally like the Yellow Pages, 411 Directory Assistance (my current job for Verizon Wireless!) and lots more. What's the best for this phone is the camera. For a 2mp? I'm getting good pictures. It may not be that sharp, clean and clear but it's a good bet for persons like me who love to take snapshots anytime.
For best resolution, I use my Olympus T-100 digital camera. It may not be that high-end since we bought it at a reasonable price. It's main features is a 12.0 megapixel camera, 3x optical zoom + 4x digital zoom, records videos etc. This camera is my bestfriend for snapping great memories everytime!
So, kung good friend ka at wala ka nang magawa sa iyong DSLR, you know you could always count on me! Hahaha!
Sunday, January 16, 2011
The Black Swan (not a movie review)
"It's about a girl who gets turned into a swan and she needs love to
break the spell, but her prince falls for the wrong girl so she kills
herself." -- Nina Sayers, The Black Swan
In an instant, I fell in love with this movie.
It's been years then since I last super liked a certain flick and what I meant by super like is admiring it to the highest and utmost level of my life. These movie are somewhat an inspiration to me. The words uttered by the characters are mirrored in some ways of my life.
The production requires a ballerina to play both the innocent White Swan
and the sensual Black Swan. One dancer, Nina (Natalie Portman), is a perfect fit
for the White Swan, while Lily (Mila Kunis) has a personality that matches
the Black Swan. When the two compete for the parts, Nina finds a dark
side to herself.
Look at 0:05, she really looks creepy with her big, red eyes! She's a bet as a Black Swan!
"The only person standing in your way is YOU."
Nina Sayers final words will completely echo in my life:
"I am PERFECT"
Saturday, January 15, 2011
Emo week
So I wasn't updating my site for a week now. Been very busy not working, but sleeping! Siguro ngayon ako nagbabawi ng tulog after the late night sleeping during the holiday season. My office shift starts at 5 in the morning until 2:30 noon. Pero yung trabaho ko ngayon is not that stressful kasi I handle the Avail for the morning shift.
Anu yun?
Avail representative ako. Others may term it as surplus girl / bakal girl / bouncer / Availer etc. whatever...
Simle lang naman description nun. Yes, operator ako pero most of the time I'm not doing calls since ako yung pumipili ng operators na hindi magca-calls for a certain period. Dapat alam ko yung time ng shift nila para fair ang pag-avail. Minsan 'di maiiwasan may mainis sa akin for not picking them to avail, kesyo pagod na daw sila sa queued calls, wala na daw silang boses, nilalagnat na sila, nahihilo, nae-ewan at kung anu-ano pa but to entirety, mas enjoy ako sa task kong ito.
As the title of this post, Emo week? Why?
Kasi nalalapit na ang "THE DAY" -- eto ang araw ng aking resignation :'(
Piniktyuran ko lahat ng significant areas sa workplace ko. Wala lang, para lang may babalikan akong memory in case magkalimutan haha! By March ko pa naman balak mag-resign. Pero ilang tulog nalang, March na eh so malapit-lapit na din yun. Sobra kong mami-miss lahat ng nandito sa office. It was a very wonderful and rewarding experience. Kahit 'di siya medically-related career with my course, madami akong natutunan :)
The entrance to 18th floor Santa Monica switch :) |
18th floor pantry |
Makati Ave. cor. Gil Puyat view from 18th floor pantry :) |
Sunday, January 2, 2011
Dampa day
Second day na ng 2011 and yet madami pa din ako kung kumain. Next time ko nalang siguro babalaking mag-diet, imposible pa ngayon dahil sunod-sunod pa din ang mga events. Kahit tapos na ang holiday season basta may pagkain, kakain tayo right?
Nag-aya si mommy mag-dampa sa Macapagal. Trip niyang mag-seafood galore. Una, namalengke muna kami
sa seaside market ng prawns, crabs, fish, squids, fruits etc. Ang mahaaaaaal kaysa sa inyong neighborhood talipapa. Siguro dala na din ng maraming foreigners ang dumadayo doon kaya mataas sila mag-price.
Naalala ko pa nga yung kalaating kilo ng sugpong binili namin worth 350+ na, ano pa kaya yung ibang binili.
Kapag nandoon ka pala, madaming hahabol-habol sa iyo. Akala ko nung una nagbebenta ng DVD or kung anu-anong maibenta. Yun pala, sila yung mga receptionist ng mga restaurant kung saan gusto ko magpaluto. Ang nakakatawa lang, karamihan sa kanila ay mga bading. Syempre, pasikatan! Nakapili na kami ng papalutuan namin pero hindi dun sa usual naming kinakainan na Tonya's. Sa Cuzina ni Ate kami nagpaluto. Mas mura daw kasi doon.
Syempre, after ng kainan, malaki ang tiyan ko hahahaha!
Saturday, January 1, 2011
Hello 2011
Ayan, 2011 na! Nag-goodbye na ang drama natin kay 2010. Bye bye for you sucker! Haha! My family and I welcomed the year sa SM Mall of Asia. May event pala dun ang GMA for their countdown party. Ang daming tao superrr. But the best part, the fireworks display :)
giant christmas tree @MOA
Subscribe to:
Posts (Atom)