Feel ko yatang maging food blogger dahil sa sunud-sunod na kainan. Well, food blogger or not, magkekwento nalang ako :)
Today is January 27, Thursday. After my work sa office, nagtext ang mommy ko at sabi niya na punta daw kami sa former school kong Adamson para magbayad ng tuition sa aking younger brother. Go naman ang drama ko kahit na sinabi ko sa sarili ko noon na ayaw ko nang babalik sa pamantasang ito sa kadahilanang malalim. In short, secret. Siguro sa ibang mambabasa, alam marahil ang dahilan.
So, hindi naman tungkol sa akin ang topic sa post na ito kung hindi sa kinain namin for dinner. Itong restaurant na ito ay sobrang luma na (mas luma pa underwear mong suot na ilang araw mo nang hindi nilalabhan). Kung maaalala ko, ito yung restaurant na paborito pa ni Fernando Poe Jr. tuwing may shooting daw sila. Isama mo na sina Erap and friends and many more. Basta, paborito daw ito ng circa nila.
Unang kong natikman ang sarap ng gawa nila nung ako ay bata pa. Noon ay madalas kaming dalhan ng pancit ng papa ko. Iba't ibang klase ng pancit ang dala niya (pero 'di ko lang alam yung tawag sa iba't ibang klase ng pansit, basta iba't iba yun). Para bang nakakatatak na sa dila ko ang lasa ng natatanging pancit na yun.
Lumipas ang maraming panahon, muli kong natikaman ang lasa nito dahil sa bigay na pancit ng aking tito. Noong una, ayaw ko pang kumain dahil sa kinasawaan ko ito pero napilit ako ng kapatid ko na kumain kaya nanumbalik ang "cherished memories" (homaygaddd, Eerr)
So, balik tayo sa restaurant. Hindi siya ganun ka-bongga pagdating sa interiors. Makikita mo dito na talagang dinadayo ito kahit sa mga panatikong nanggaling pa sa malalayong lugar. Madalas may makikita kang may nag-iinuman pero walang videoke kaya hindi maingay. Maraming tao agad ang bubungad sa'yo pagpasok. Kung aakyat ka sa ikalawang palapag, ito ay nakaair-con. Dali-daling may lalapit sa'yong babaeng naka-pink (basta babae na naka-uniform), sila na yung waitress nila na mag-aabot sa'yo ng menu at kukuhang order mo.
courtesy of blowingpeachkisses |
Umorder kami ng paborito naming pancit at pork asado at isang malaking plato ng kanin. Sulit! May take-home pa kami dahil hindi namin ito naubos.
Food verdict: Marami ang serving nila. Saucy ang pancit (what I meant for saucy is masabaw, malagkit, madagta, basta! Ayun na yun. Gets mo naman eh) Pork adobo, not quite kasi mas type ko yung red yung meat nito, theirs is pale.Kulang din pala sa tamis, I go for that extra sweetness. LOL
No comments:
Post a Comment
I appreciate all your comments!