Friday, January 21, 2011

Kalungkutan.



Minsan ba na-feel niyo na ba ang sobrang kalungkutan? Hindi mo mapigilan mapaisip at maluha nalang? Yung tipong parang kumpleto ka naman pero may mga bagay lang talaga na sadyang nagpapalungkot sa'yo. Sa 'di maintidihang pangyayari, bakit ganun?

Gusto ko sana mag-share sa inyo ng mga pangyayari na naganap sa araw na ito. Ngunit minarapat ko nalang na huwag ikwento lahat dahil lilipas din ito. 

To make it short, nakaranas lang naman ako ng sobrang kalungkutan kanina.

Gusto ko ngumiti, tumawa, mag-share ng kwento at kung anu-ano pa kasama siya ngunit nakakalungkot lang na may mga ilang bagay lang siyang nagawa na sobra kong ikinalungkot. Feeling ko kasi, nawawalan na ako ng halaga sa kanya :(

Pero jumo-joke pa din ako kahit alam ko naman sa sarili ko na niloloko ko na yung totoong nararamdaman ko. Kailangan magpakita pa din ako isang maskara para lamang huwag masira ang araw namin. Halos isang linggo kami 'di nagkita at sa loob ng linggong yun ay bihira lang kami magkausap dahil parehas kaming sobrang busy sa trabaho. 

Minsan natanong ko ang sarili ko: "Do I deserve this?"

Humanga ako sa isa kong kaibigang si Mia.
Dahil minsan sa kanyang buhay, nagmahal siya, nagtiwala, nagtiis at nagsakripisyo para sa ikaseseguridad ng kanyang hinaharap. Alam kong hindi naging madali ang mga dinanas niya pero sobra akong humanga sa tatag ng loob niya. 

Sana maging katulad ako ni Mia. 

Sana maging matapang pa ako, maging matatag at magkaroon ng tiwala sa sarili at sa mga gagawing desisyon sa buhay.


4 comments:

  1. "Kung mabubuhay ka na para bang takot ka sa mga darating sa'yo bukas, eh walang mangyayari sayo! Eh paano kung hindi mangyari? Edi nag-aksaya ka lang ng panahon. Kahit na mangyari pa nga, edi nadoble lang yung takot mo."

    "Makinig ka sa sasabihin ko ah. Listen: Mabuhay ka na parang every moment counts."
    SEIZE THE DAY!!! Ü

    At TANDAAN:
    "What would you do if you weren't afraid?"

    ReplyDelete
  2. "Kung ako may takot sa kung ano man ang pwedeng mangyari sa hinaharap, handa kong harapin iyon at buong buo ko ito tatanggapin. Kung hindi talaga, hindi na ipagpipilitan pa."

    "Mas matapang ako sa inaakala niyong lahat. Kaya ko lahat ng pagdurusang haharang sa aking buhay."

    ReplyDelete
  3. whoa!! ngayon ko lang to nabasa..

    maraming salamat Jo!

    we have our own ways to face THEM: our fears, sadness, struggles and all the bad points in our life.. u did the right thing.. di mo pinakita kung anu ang totoo mong nararamdaman sa kanya dahil u feared he might get hurt.. it's a kind of self-sacrifice ryt? kayang-kaya nyo yan Jo..

    ganun talaga siguro taung mga babae, we choose to pretend, to hide our hurt sa taong mahal natin dahil "mahal" natin sila.. all throughout our sacrifices, para rin naman sa kanila un.. sana lang maramdaman nila at maapreciate din nila, hindi man sa ngayon, pero pagdating ng panahon kung kelan sasariwain nyo na lang ung mga panahon na mag-"jowa" p lang kau haha.. naks..

    GO JO! GIRL POWER!!

    ReplyDelete
  4. very well said, mia :)
    agree ako sa sinabi mong ganito siguro tayong mga babae. talagang darating tayo sa phase kung saan parang na-diagnose tayo na may bipolar syndrome sa grabe lang ng mood swings natin, and it's up to us how we control it and surpass that ugly moment.

    kineri naman namin ang phase na yun :) so far, happy happy ulit kami. monthly naman akong ganito so he better be ready for all of my dramas haha!

    GO MIA!! :D

    ReplyDelete

I appreciate all your comments!