Second day na ng 2011 and yet madami pa din ako kung kumain. Next time ko nalang siguro babalaking mag-diet, imposible pa ngayon dahil sunod-sunod pa din ang mga events. Kahit tapos na ang holiday season basta may pagkain, kakain tayo right?
Nag-aya si mommy mag-dampa sa Macapagal. Trip niyang mag-seafood galore. Una, namalengke muna kami
sa seaside market ng prawns, crabs, fish, squids, fruits etc. Ang mahaaaaaal kaysa sa inyong neighborhood talipapa. Siguro dala na din ng maraming foreigners ang dumadayo doon kaya mataas sila mag-price.
Naalala ko pa nga yung kalaating kilo ng sugpong binili namin worth 350+ na, ano pa kaya yung ibang binili.
Kapag nandoon ka pala, madaming hahabol-habol sa iyo. Akala ko nung una nagbebenta ng DVD or kung anu-anong maibenta. Yun pala, sila yung mga receptionist ng mga restaurant kung saan gusto ko magpaluto. Ang nakakatawa lang, karamihan sa kanila ay mga bading. Syempre, pasikatan! Nakapili na kami ng papalutuan namin pero hindi dun sa usual naming kinakainan na Tonya's. Sa Cuzina ni Ate kami nagpaluto. Mas mura daw kasi doon.
Syempre, after ng kainan, malaki ang tiyan ko hahahaha!
No comments:
Post a Comment
I appreciate all your comments!